Enrolment options
LAYUNIN NG KURSO: Ang Filipino 2, KOMUNIKASYON AT ANG PANITIKANG PILIPINO, ay sumasaklaw sa kasanayan sa epektibong pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paglinang sa mga makrong kasanayang sentral sa pakikinig, pagbasa, at panonood. Bibigyan ng tuon ang pag-aaral ang iba't ibang katangian ng mga akdang pampanitikan na iniluwal sa iba't ibang yugto ng kasaysayan ng ating bayan mula sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano at Hapon, sa Panahon ng Bagong Pagsibol, pagsailalim sa Batas Militar hanggang sa mga sulatin sa kasalukuyang panahon at ang kulturang popular.
Matapos ang pag-aaral ng Filipino 2, ang mag-aaral ay inaasahang magtaglay ng sumusunod na mga kakayahan: (1) Nagagamit ang mga makrong kasanayan sa pagpapahayag ng mga ideya. (2) Natutukoy ang makabansang identidad na nakapaloob sa mga akdang-pampanitikan. (3) Napapahalagahan ang kulturang Pilipino. (4) Naipagmamalaki ang pagiging Pilipino.
Mabibigyan ng sapat na kasanayan at kamulatan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga kaalamang pangwika at pampanitikan upang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang kultura na magsisilbing gabay sa paghubog ng kanilang katauhan at pagtugon sa mga hamon ng pagbabago ng lipunang kinabibilangan.